Huwebes, Agosto 18, 2011

Extortionist: May bagong modus operandi ang taong ito.Kakaibigan...

Extortionist: May bagong modus operandi ang taong ito.Kakaibigan...

May bagong modus operandi ang taong ito.Kakaibiganin ka nya makikipagkwentuhan na parang normal lang pero hindi mo alam inaalam nya lang ang mga vital information mo.Kapag nalaman na nya gagawa sya ng mga pekeng accounts sa mga social networking sites at magpopost ng mga makapanirang puri at puro kasinungalingan bagay tungkol sayo pag malas malas ka pa may kasama pang picture mo para kapanipaniwala.Magugulat ka na lang na instant criminal ka na at naka post ang pangalan at mukha mo sa internet. Magpapanic ka at mahihiya syempre lalot di naman totoo.Ang susunod na mangyayari may magtetext sayo at sasabihing tatangalin nya ang mga makapanirang blogs na yan kung magbibigay ka ng pera.Maguumpisa sa ten thousand ang hihingin nya hangang sa magtatawaran kayo pag sumang ayon ka na iinstruct nya na ipadala mo ang pera sa LBC gamit ang ibang pangalan.Kapag natanggap na nya ang pera tsaka nya buburahin ang mga ginawa nyang pekeng account at nabiktima ka na nya.Instant pera ang gago.Tignan mabuti ang nasa larawan at baka sa susunod kayo na ang mabiktima.Mapapansin nyo na maayos sya manamit at banidoso .Magaling magsalita at medyo baklain.Magkekewnto muna sya tungkol sa sarili nya at kunyari mga sikreto ng buhay nya para pagkatapos makapagkwento ka din ng mga sikreto ng buhay mo.Mag ingat sa taong ito.Wag magtiwala agad sa mga bagong kakilala at baka mabiktima kayo ng modus operandi ng taong ito.